Angono Police nag-sorry sa iwas-rape tips sa Facebook

By Len Montaño July 20, 2018 - 01:58 AM

Humingi ng paumanhin ang Angono Municipal Police dahil sa kanilang Facebook post kaugnay ng mga paraan para makaiwas ang mga kababaihan sa rape.

Ang paghingi ng sorry ng Angono Police ay kasunod ng inilabas nilang 10-point guidelines kung ano ang dapat gawin at kung paano dapat kumilos para maiwasan na magahasa.

Umani ng batikos ang paalala ng naturang police unit lalo na sa mga nagsusulong ng kapakangan ng mga kababaihan.

Argumento ng mga netizens, ipinahihiwatig ng FB post ng Angono Police na “Paalala Para Makaiwas sa Rape” na babae ang umano’y may kasalanan kung magahasa ito dahil sa kanyang mga ginagawa gaya ng pagsusuot ng maigsing damit at pag-inom kapag nasa date.

Sa huling post ng Angono Rizal PNP, humingi sila ng paumanhin sabay paliwanag na ang intensyon lamang nila ay mapaalalahanan ang lahat para maiwasan na maging biktima ng rape.

Tiniyak naman ng nasabing police unit ang kaayusan at katahimikan sa bayan ng Angono.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.