Malacañang hinimok si Sr. Fox na sumunod sa deportation order

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 03:02 AM

Hinimok ng Palasyo ng Malacañang si Sr. Patricia Fox na tumalima sa kautusan ng Bureau of Immigration (BI) para sa kanyang deportation.

Sa mensahe ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamahayag, sinabi nito ang katagang ‘Dura lex, sed lex’.

Ito ay hango sa Latin na may ibig sabihing ‘the law is harsh but it is the law’.

Kahapon, ay ipinag-utos na ng BI ang deportation ng madre dahil sa umano’y paglabag sa mga kondisyon ng kanyang missionary visa.

Inaakusahan ng BI at ni Pangulong Rodrigo Duterte si Fox na nakikiisa sa mga political activities at nanghihimasok sa usaping pangbansa.

Ipinahayag ng pangulo kamakailan na tanging mga Filipino lamang ang may karapatang magbigay kritisimo sa kanya o sa gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.