NLEX wagi sa Asia League Super 8; Blackwater tinalo ng koponan ng South Korea

By Justinne Punsalang July 20, 2018 - 12:05 AM

Wagi ang NLEX Road Warriors kontra sa Xinjiang Guangui sa kanilang naging tapatan para sa Asia League Super 8 na ginanap sa Macau East Asian Games Dome.

Natapos ang do-or-die game sa iskor na 88-78 pabor sa Road Warriors.

Natapos ang preliminaries ng torneo nang mayroong 2-1 win-loss record ang Road Warriors, dahilan upang sila ay pumangalawa sa Group A.

Dahil dito ay makakausad ang Road Warriors sa semi-finals.

Si JR Quiñahan ang nanguna sa NLEX matapos niyang makapagtala ng 18 puntos at sinundan naman siya ni Kenneth Ighalo na may 17 puntos.

Samantala, hindi na makakausad pa sa torneo ang Blackwater Elite matapos silang talunin ng Seoul Samsung Thunders sa iskor na 78-73.

Natapos ang preliminaries ng torneo nang mayroon lamang 2-1 win-loss record ang koponan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.