Orange Rainfall Warning nakataas sa Rizal

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 04:45 AM

Itinaas ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Rizal bunsod ng pag-ulang dulot ng Habagat na hinahatak ng Bagyong Inday.

Sa 4AM advisory ng PAGASA, ibinabala ang banta ng pagbaha sa lalawigan.

Yellow warning naman ang itinaas sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar sa mga naturang lalawigan.

Samantala, inaasahan din ang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Cavite, Batangas, Laguna at Quezon sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na bantayan ang kondisyon ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory na ilalabas mamayang alas-7 ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.