Tindero patay sa pamamaril sa Isabela

By Justinne Punsalang July 20, 2018 - 04:00 AM

Dead on the spot ang isang tindero matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Tuguegarao, Echague, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dexter Andaya, 36 na taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakaangkas si Andaya sa motorsiklo na minamaneho ng isang John Kelviv Timbreza.

Habang tumatakbo ang motor ay biglang dumating ang isa pang motorsiklo, lulan ang mga salarin.

Malapitan itong binaril sa likod ng ulo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente ay tumakbo papalayo si Timbreza upang humingi ng tulong, ngunit nang dumating ang mga pulis ay nakatakas na ang riding in tandem.

Isang bala ng kalibre 45 baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pang inaalam ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.