JUST IN: Ilog Marikina, nasa alert level 1 na

By Rhommel Balasbas July 20, 2018 - 04:38 AM

Marikina PIO

Muling itinaas sa alert level 1 ang Marikina River

Sa Facebook live ng Marikina Public Information Office ngayong alas-4:30 ng umaga, nasa 15.4 meters na ang taas ng tubig sa ilog.

Pasok ito sa unang alarma kung saan ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar ay pinapayuhang maging alerto at maging handang lumikas.

Sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng antas sa lungsod ng Marikina bunsod ng mga pag-uulang dala ng Habagat na hinahatak ng Bagyong Inday.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.