Barong ng mga militanteng kongresista handa na sa SONA

By Erwin Aguilon July 18, 2018 - 04:26 PM

Hindi iisnabin ng mga militanteng kongresista ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Dahil dito, inihahanda na nina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang kanilang mga protest attire.

Kapwa magsusuot ng barong sina Zarate at Casilao kung saan ang barong ni Zarate ay disenyo na ipininta ni Atty. Ma. Sol Taule ng National Union of People’s Lawyer o NUPL.

Ipinapakita ng disenyo ang panawagan ng mga Pinoy para sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines gayundin ang apila para sa tunay na repormang agraryo at ang paglutas sa kawalan ng trabaho.

Ang barong naman ni Casilao ay may pinta ng mga taong nagpoprotesta na may hawak na plakard para sa P750 national minimum wage at genuine agrarian reform.

TAGS: casilao, makabayan, SONA, zarate, casilao, makabayan, SONA, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.