Anak ng dating mayor sa Cebu arestado sa anti-drug operation

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 12:44 PM

INQUIRER VISAYAS PHOTO / BENJIE TALISIC

Naaresto sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Guadalupe sa Cebu City ang anak na lalaki ng isang dating mayor sa Cebu.

Dinakip si Junie Gungob, anak ni dating Mayor Avelino Gungob ng bayan ng Consolacion nang magsagawa ng raid ang mga otoridad.

Pero ayon kay Gungob na kasalukuyang kagawad sa Barangay Casili, itinanim umano ng raiding team ang mga ebidensyang nasabat sa kaniya.

Maliban kay Gungob nadakip din ang iba pang suspek na sina Clint Fernandez, Aileen Bornales, at dalawa pang lalaki.

Si Fernandez ang talagang target ng operasyon ng mga pulis sa ikinasang operasyon.

Habang si Bornales ay malayong kaanak umano ni Jeffrey “Jaguar” Diaz – ang napatay na drug lord sa Central Visayas.

TAGS: Cebu City, Consolacion Cebu, Radyo Inquirer, Cebu City, Consolacion Cebu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.