Napindan Bridge sa C6 sa Taguig magagagamit na ng mga motorista

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 10:53 AM

DOTr Photo

Binuksan na sa mga motorista ang Napindan Bridge na bahagi ng C6 sa Taguig City.

Sa pagbubukas ng tulay, inaasahang mas mapapaluwag ang daloy ng trapiko sa C5 at EDSA dahil pipiliin na ng ibang motorista na dumaan sa C6 patungong Taytay, Rizal.

Dumalo sa ginawang pagbubukas ng tulay sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar,
Transportation Secretary Art Tugade, BCDA Pres. & CEO Vince Dizon, at Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Sa pagububukas ng Napindan bridge, nadagdagan ng dalawang linya pa ang bahagi ng Laguna Lake Highway o C6 kaya mas mapapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa lugar.

TAGS: C6, dotr, DPWH, Napindan Bridge', Radyo Inquirer, C6, dotr, DPWH, Napindan Bridge', Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.