2 bata patay matapos malunod sa Cagayan

By Rhommel Balasbas July 18, 2018 - 04:12 AM

Screenshot mula sa video ni Kaye Kaye Panes

Patay ang dalawang bata na pawang mga grade 8 students at pareho ring 13 anyos matapos malunod sa isang sapa sa Lasam, Cagayan.

Ayon kay PO2 John Galiza, suspendido dahil sa masamang panahon ang pasok sa eskwelahan.

Gayunman, imbes na pumirmi sa kanilang mga bahay ay nagpaalam umano ang mga bata na mamimitas ng prutas ngunit nagkayayaan ang mga ito na maligo.

Ayon kay Galiza, bigla na lang hindi lumitaw ang mga bata at natagalan pa ang pagsaklolo sa mga ito dahil nasa isang kilometro ang layo ng sapa.

Sa isang viral na post sa Facebook ng isang nagngangalang Kaye Kaye Panes, makikita kung paano sinagip ang mga bata at sinubukan pang bigyan ng CPR ng mga sumaklolo.

Gayunman, sa comments ng netizens, binatikos ng mga ito ang tila maling paraan ng CPR at isa rin ito sa mga tinitingnang anggulo kung bakit hindi na nailigtas ang mga biktima.

Sa ngayon ay mayroon nang higit 9,000 shares ang naturang post.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.