3 babae, arestado matapos maaktuhang nagnanakaw sa isang mall sa Makati

By Rhommel Balasbas July 18, 2018 - 04:11 AM

Naaresto ng mga alagad ng Makati Police ang tatlong babae matapos maaktuhang nagnanakaw sa isang mall sa Ayala Center sa Makati.

Pinasok ng mga kawatan ang mall ngunit namukhaan ng guard dahil may rekord na ito ng shoplifting dahil sa panloloob din sa isang boutique ng naturang mall.

Dalawa sa mga naaresto ay menor de edad na may edad 15 anyos at 17 anyos.

Pumasok sa isang bookstore ang tatlo ngunit naaktuhan ng guard at sinundan ang mga ito.

Nahuling nagpapasok ng mga gamit sa dalang bag ang tatlo at nagmamadaling tumakas.

Gayunman, hinarang sila agad ng gwardya at nakuhaan ng sampung pirasong lapis, apat na pirasong sombrero at apat na pakete ng crayons.

May kabuuang halaga ang mga gamit ng higit P10,000.

Dahil dito, mahaharap ang tatlo sa kasong theft shoplifting.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.