7 arestado dahil sa iligal na droga sa Maynila

By Rhommel Balasbas July 18, 2018 - 04:08 AM

Arestado ang pito katao matapos mahulihan ng iligal na droga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahuli ang dalawang babae at limang lalaki kung na karamihan ay walang trabaho.

Ayon sa Manila Police District Station 3, nagpapatrolya ang pulisya sa may Bambang hanggang Remedios nang maaktuhan ang mga naaresto na nagsusugal.

Bukod sa pagsusugal ay nakumpiska ng mga pulis sa pito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa illegal gambling at illegal possession of dangerous drugs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.