MMDA: Earthquake drill tuloy umulan o umaraw

By Marilyn Montaño July 18, 2018 - 01:12 AM

INQUIRER file photo

Tuloy ang nakatakdang shake drill anumang araw sa linggong ito sa kabila ng pag-uulan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, umulan o umaraw man ay tuloy ang earthquake drill.

Pwede anyang magsagawa ng shake drill sa pinakamadaling paraan pero paano anya kung ang lindol ay naganap sa kritikal na oras gaya ng may bagyo.

Sa ganito anyang paraan ay mapaghahandaan ang posibleng worst case scenario.

Paliwanag pa ni Garcia, ang pagsasagawa ng drill habang umuulan ay magbibigay daan sa ahensya at sa Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRC) na makapag-handa sa pinakamalalang sitwasyon na maaaring mangyari kapag may lindol.

Nagbabala naman ang MMDA sa publiko ng matinding daloy ng trapiko kapag isinasagawa ang shake drill.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.