Malacañang, nagpasalamat sa ConCom sa pagbabawal kay Duterte na tumakbong pangulo sa 2022

By Chona Yu July 18, 2018 - 03:50 AM

Lubos ang naging pasasalamaat ng Palasyo ng Malakanyang sa Consultative Committee dahil pinagbigyan nito ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa draft na pagbawalan na siyang tumakbong pangulo ng bansa sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ganitong paraan mabubura na ang nga haka-haka na tatakbong muli bilang pangulo ng bansa si Duterte sa 2022 sakaling mabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.

Iginiit pa ni Roque na bababa sa puwesto ang pangulo kapag nakamit na ang pederalismo sa 2019.

Malinaw kasi aniya ang naging polisiya ng pangulo na kinakailangan na magkaroon ng transition president sakaling maisulong na ang pederalismo.

“We thank the Consultative Committee for accommodating the President’s request to provide for an elected transition president. This should finally allay all fears that PRRD has other motives for wanting to shift to a Federal form of government,” ani Roque.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.