3 patay sa pagwawala ng isang lalake sa eskwelahan sa Sweden

By Jay Dones October 23, 2015 - 04:38 AM

 

trolhattan sweden
Mula sa Google

Tatlo katao ang namatay isa pang estudyante ang sugatan sa pagwawala ng isang lalake na may bitbit na espada sa loob ng isang eskwelahan sa bansang Sweden.

Kabilang sa nasawi ang isang lalakeng guro ng Konan School sa Trolhattan, isang estudyante  at ang suspek na nabaril ng mga rumespondeng pulis.

Sa report ng pulisya, mag-isang pumasok ang lalakeng may suot na Darth Vader mask na hango sa isang karakter ng Star Wars sa cafeteria ng paaralan at may bitbit na espada at walang habas na nanghalihaw ng mga guro at estudyante doon.

Nasawi sanhi ng sugat sa katawan ang biktimang guro at menor de edad na estudyante samantalang sugatang dinala sa ospital ang isa pang mag-aaral.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad upang arestuhin ang salarin.

Gayunman, nagtangka umano ito na sugurin ang mga pulis kaya’t nabaril ito hanggang sa mapatay.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang pagkakakilanlan ang mga otoridad sa suspek at ang posibleng motibo nito sa krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.