Barbie Imperial, isinapubliko ang mga pasa sa katawan

By Justinne Punsalang July 17, 2018 - 02:56 AM

Courtesy of 1myhjuanabie instragram

Palaisipan ngayon sa mga tagahanga ng young actress na si Barbie Imperial kung sino ang nasa likod ng mga pasa na tinamo nito.

Sa kanyang Instagram posts kamakailan na ngayon ay tinanggal na niya sa kanyang profile, ay ibinahagi ng Kapamilya actress ang mga pasa at tila mga kalmot sa kanyang braso, leeg, at dibdib.

Caption ng mga litrato ang “No to physical abuse. NEVER AGAIN.”

Kasabay ng kanyang pag-post ng mga litrato ay nag-Tweet rin si Barbie kung saan sinabi nito na hindi dapat pumapayag ang sinuman na hayaan ang isang taong mahal nito na saktan siya. Ani Barbie, hindi tama na saktan ang isang babae.

Sa ngayon ay tinanggal na rin ng young actress ang naturang Tweet.

Bagaman tinanggal na ni Barbie ang kanyang mga Tweet at Instagram posts ay mayroon naman siyang panibagong ibinahagi na tila may kaugnayan sa kanyang naunang mga posts.

Isa rito ang kanyang bagong Tweet na “Be strong,” mga litrato kasama ang kanyang mga kaibigan na itinuturing niya bilang kanyang mga tagapagtanggol, at isang larawn niya at ng kanyang ina kung saan makikita ang mga kalmot sa braso ni Barbie.

Hinala ng mga netizens, ang rumored boyfriend ni Barbie na si Paul Salas ang nasa likod ng mga pasa at kalmot sa katawan ng dalaga.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Paul ukol sa mga ispekulasyon.

TAGS: Barbie Imperial, Barbie Imperial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.