Bentahan ng ticket para sa 3rd concert ni Charlie Puth sa bansa, mamaya na

By Rod Lagusad July 17, 2018 - 02:57 AM

Courtesy of MMI Live

Mamaya na magsisimula ang bentahan ng ticket para sa ikatlong concert ng Grammy Award-nominated singer na si Charlie Puth sa Pilipinas.

Nagkakahalaga ang ticket para sa concert mula P2,000 para general admission hanggang P15,100 para sa VIP Soundcheck package na may kasamang isang VIP seating.

Ang nasabing concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa darating na Novermber 6 ay bahagi ng kanyang “Voicenotes” tour.

Una ng inanunsyo ng entertainment organizer na MMI Live noong July 7 ang ikatlong concert ng singer sa bansa.

Nakilala si Charlie sa kanyang mga hit single na “See You Again” na naging bahagi ng isa sa mga pelikula ng Fast and Furious film franchise, “Marvin Gaye” at “One Call Away”, “We Don’t Talk Anymore” ka-duet ang actress singer na si Selena Gomez mula sa kanyang unang full length album na Nine Track Mind, at sa mga kantang “Attention, “How Long”, “Done For Me” at “The Way I Am” mula sa sa pangalawa at kasalukuyan niyang album na Voicenotes.

Una ng nagtanghal si Charlie sa bansa noong October 2015 sa Eastwood City, at noong August 2016 sa Kia Theater sa Cubao.

TAGS: Charlie Puth, Mall Of Asia Arena, Voicenotes Tour, Charlie Puth, Mall Of Asia Arena, Voicenotes Tour

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.