Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, kasama sa MMFF entry ni Vice Ganda

July 15, 2018 - 12:00 AM

Vice Ganda IG

Nagagalak si Vice Ganda matapos pagbigyan ang kanyang hiling na makasama sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa kanyang MMFF 2018 movie na ‘Fantastica’.

Mula sa pelikulang may temang ‘superhero’ noong nakaraang taon, ang kanyang movie ngayon ay may temang ‘fairtytale fantasy’.

Sa story conference ng kanyang pelikula noong Biyernes, ikwinento ng ‘unkaboggable’ star na magkakaroon siya ng mga espesyal na kakayahan para sa pelikula.

Nang tanungin kung ano ang kanyang mga request ay hiniling anya niya na isama sina Gutierrez at Dantes sa pelikula na unang beses niyang makakasama sa palabas dahilan para siya ay manabik.

Inihayag din ng komedyante na excited na rin ang dalawa na unang beses umanong gagawa ng comedy film.

Makakasama rin sa naturang pelikula sina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, Edward Barber, Ronnie Alonte, Jaclyn Jose at marami pang iba.

Magsisimula ang shooting ng cast ng ‘Fantastica’ sa Martes, July 17.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.