Palawan at Cebu, pasok sa world’s top islands for 2018

By Len Montaño July 14, 2018 - 09:20 PM

FILE

Pasok ang Palawan at Cebu sa listahan ng top 15 islands sa buong mundo sa taong 2018.

Sa lineup na inilabas ng New York-based travel magazine Travel + Leisure batay sa boto ng mga biyahero, nasa 6th place ang Palawan at 8th place naman ang Cebu.

Nakuha ng Palawan ang score na 90.04 habang 89.10 ang score ng Cebu.

Una rito ay nanguna ang Palawan sa listahan nang itanghal itong best island noong 2013, 2016 at 2017.

Ngayong taon ay nanguna ang Indonesia sa nakuhang score ng tourist destination na Java na 95.28. Ang iba pang isla ng bansa na Bali at Lombon ay magkasunod sa 2nd at 3rd place.

Kapuna-puna namang wala sa listahan ang isla ng Boracay na 2nd place noong 2016 at 3rd place noong 2017.

 

TAGS: cebu, Palawan, World's Top Islands, cebu, Palawan, World's Top Islands

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.