Lalaking suspek sa pagpatay sa ina, arestado sa Pagadian City

By Rohanisa Abbas July 14, 2018 - 08:30 PM

Google Maps

Inaresto ng mga barangay tanod ng Barangay Banale sa Pagadian City ang lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang ina na si Gina Daniel Tinga.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga tanod laban kay Almiro Tinga.

Ayon kay PO1 Renji Narciso, nadiskubre ng kapatid ni Almiro ang bangkay ng ina nito na nakahandusay malapit sa ilog sa Purok Malunggay.

Dinalhan ng pagkain ni Wellen Jane ang inang si Gina kung saan ito naglalaba. Dito na tumambad ang katawan ni Gina.

Ipinagbigay-alam ito ni Wellen Jane sa amang si Willy na agad na tumakbo sa lugar. Nakita rin ang isang batong may bakas ng dugo malapit sa biktima.

Aminado naman si Willy na minsan nang nalulong sa iligal na droga ang anak na si Almiro sa Cotabato City. Pinauwi sa Pagadian City ang anak na lalaki para maging normal ang buhay pero nagkakaalitan sila ng ina sa tuwing hihingi ito ng pera.

Nakadetine ngayon si Almiro habang hinihintay ang pamilya kung sasampahan ba ito ng kaso o hindi.

TAGS: ina, Pagadian City, patay, ina, Pagadian City, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.