Sen. Zubiri: 99% ng BBL, tapos na

By Rohanisa Abbas July 14, 2018 - 04:04 PM SHARE(S):
FILE

Malapit nang matapos ang pinagsamang bersyon ng Bangsamoro Basic Law, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Sa pagtaya ni Zubiri, 99% na ng BBL ang natapos ng bicameral conference committee. Aniya, may mga pinaplantsa na lamang ang komite sa panukalang batas.

Ipinahayag ni Zubiri na ayaw ng mga mambabatas na madiliin ito dahil magsisilbi itong Saligang Batas. Sinabi ng senador na tinitiyak nila na wala silang maling nailagay sa panukalang BBL, at naaayon it sa Saligang Batas.

Ngayong linggo, tinalakay ng bicam ang mga bersyon ng Mataaas at ng Mababang Kapulungan para pag-isahin para sa panukalang BBL na papalitan ang Autonomous Region in muslim Mundanao.

 

TAGS: ARMM, bangsamoro, bangsamoro basic law, BBL, Senator Miguel Zubiri, ARMM, bangsamoro, bangsamoro basic law, BBL, Senator Miguel Zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.