Albayalde, nilinaw na hindi tinanggal ang police escort ni Trillanes

By Len Montaño July 14, 2018 - 03:17 PM SHARE(S):

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi tinanggal ang police escorts ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, malamang na nag-expire lamang ang police security detail kay Trillanes at kailangan lang itong i-renew.

Sinabi ni Albyalde na walang utos na i-recall o tanggalin ang police security ng Senador.

Kukumpirmahin ng PNP chief ang estado ng police security detail ni Trillanes kung kailangang i-renew pati ang letter order sa mga pulis na bigyang seguridad ang mambabatas.

Una rito ay sinabi ni Trillanes na ni-recall ang kanyang police security detail noong katapusan ng Hunyo.

Inihayag ito ng Senador matapos sabihin ng isang netizen na tinanggal ang police escorts ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili bago ito patayin.

 

TAGS: Oscar Albayalde, philippine national police, PNP, police escort, Senator Antonio Trillanes IV, Oscar Albayalde, philippine national police, PNP, police escort, Senator Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.