Nasagip na Thai soccer team, imbitado sa FIFA awards event sa London

By Isa AvendaƱo-Umali July 14, 2018 - 04:09 AM SHARE(S):

Muling inimbitahan ng FIFA ang nailigtas na soccer team ng Thailand, pero ngayon ito ay para sa awards event ng World Cup sa London.

Nakuha ng soccer team ang atensyon ng buong mundo dahil sa kanilang pagkaka-stranded sa isang nabahang kweba at ang buwis-buhay ng pagligtas sa kanila.

Ayon kay FIFA President Gianni Infantino, nais nilang makarating ang soccer team sa London para sa FIFA annual awards event sa September 24, 2018.

Nauna nang inimbitahan ng FIFA ang labing dalawang manlalaro at kanilang coach sa World Cup final sa Moscow, Russia sa darating na Linggo.

Gayunman, hindi makakarating ang “Wild Boars” soccer team dahil sa medical reasons, lalo’t ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang mailabas silang lahat mula sa kweba makaraan ang dalawang linggong pagkaka-trap doon.

Naunawaan naman ito ng FIFA at sinabing nananatiling prayoridad ang kalusugan at recovery ng mga bata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.