Mataas na trust at approval ratings ni Pang. Duterte ikinatuwa ng Malakanyang

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 12:01 PM

Ikinatuwa ng Malakanyang ang mataas na trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa latest survey ng Pulse Asia.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos ang nakuhang 88 percent na approval at 87 percent na trust rating ng pangulo base sa June 2018 survey.

Bagaman tinatanggap aniya ng pangulo ng may pagpapakumbaba ang nasabing resulta ng survey ay sinabi niRoque na hindi niya pinamumunuan ang bansa para lamang sa mataas na ratings.

Ginagawa lang aniya ng pangulo ang lahat para matupad ang kaniyang mga ipinangako noong panahon ng kampanya upang maisulong ang interest ng mamamayan.

Sinabi pa ni Roque na nagdodoble-kayod ang pangulo para tuluyan nang masugpo ang ilegal na droga sa bansa, krimen at korapsyon at maibigay ang kumportableng pamumuhay sa lahat.

TAGS: Approval Rating, Harry Roque, pulse asia, rodrigo duterte, Trust Rating, Approval Rating, Harry Roque, pulse asia, rodrigo duterte, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.