Mall sa Mexico City gumuho

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 06:56 AM SHARE(S):
REUTERS PHOTO

Gumuho ang bahagi ng luxury shopping center sa Mexico City.

Mabuting walang nasaktan o nasugatan sa nasabing insidente ayon sa civil protection agency ng Mexico.

Ang Artz Pedregal shopping center ay kabubukas lamang noong buwan ng Marso.

Sinabi ni civil protection Fausto Lugo na maaring structural ang dahilan ng pagguho pero magsasagawa pa ng mas malalalimang imbestigasyon ang mga eksperto upang matukoy kung ano ang naging problema sa disenyo nito.

Sinabi ni Lugo na na nakasunod naman sa lahat ng permit ang pamunuan ng mall nang ito ay itinatayo.

TAGS: Mexico CIty Mall, Radyo Inquirer, Mexico CIty Mall, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.