Kylie Jenner pinakabatang bilyonaro ayon sa Forbes magazine para sa taong 2018

By Tricia Francisco July 12, 2018 - 11:53 PM

Forbes Magazine

Ang reality TV star na si Kylie Jenner, edad 20, ang pinakabatang self made na bilyonaryo sa taong 2018 ayon sa Forbes magazine.

Si Jenner ay nagmamayari ng Kylie Cosmetics, isang make up company at may net worth na humigit kumulang USD800 bilyon. Nagsimula ang kumpanya sa pagbebenta ng mga lipstick at lip liner taong 2016. Ayon sa Forbes, kapag nagpatuloy ang paglaki ng kumpanya sa loob ng isang taon, si Kylie ang magiging pinakabatang bilyonaryo babae man o lalaki sa mundo.

Ang overall worth ni Jenner, kasama na ang kanyang mga exposure sa telebisyon, mga endorsements, at after tax dividends ay pumapalo ng USD900 milyon, ayon sa Forbes.

Ayon sa interview ni Kylie sa Forbes, ang social media ang naging paraan niya upang mapalaki at maibenta ng husto ang kanyang mga produkto. Mas naging madali aniya ang pakikipag uganayan niya sa mga fans at mga tumatangkilik ng kanyang makeup brand dahil dito.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.