Stephen Curry balik bansa sa Setyembre

By Tricia Francisco July 12, 2018 - 10:19 PM SHARE(S):

Bibisita muli sa bansa ang three-time NBA champion at Golden State Warriors player na si Stephen Curry sa Setyembre 6 hanggang 8.

Ito na ang pangalawang beses bibisita sa bansa ang basketball superstar kasunod ng kanyang unang pagbisita noong 2015.

Bibisita rin si Curry sa China at Japan kasunod ng kanyang Asia Tour na binigyang daan ng kanyang partnership sa shoe brand na Under Armour.

Habang nasa bansa, magkakaroon si Curry ng mga basketball clinics kung saan ibabahagi ng NBA MVP ang kanyang basketball journey at mga tips sa mga aspiring na manlalaro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.