US President Donald Trump dumating na sa Great Britain

By Justinne Punsalang July 13, 2018 - 12:25 AM SHARE(S):
AP

Sa unang pagkakataon bilang pangulo ng Estados Unidos at dumating na sa Great Britain si Donald Trump.

Ito ay sa gitna ng tension sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at kontrobersyal na Brexit.

Lumapag sa London Stansted Airport ang Air Force Once sakay si Trump para sa kanyang apat na araw na pagbisita sa nasabing bansa.

Nakatakdang dumalo sa gala dinner si Trump kasama ang mga opisyal ng Amerika at Britain na gaganapin sa Blenheim Palace.

Nakatakda ring makipagkita rin si Trump kay British Prime Minister Theresa May at Queen Elizabeth II.

Samantala, sa weekend naman ay magbabakasyon si Trump sa isa sa kanyang mga private golf course sa Scotland.

Inaasahan naman ang pagkakasa ng mga protesta dahil sa pagbisita sa UK ni Trump.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.