Dagdag sa pamsahe sa UV express, inihihirit

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 12:30 PM SHARE(S):
FILE

Humirit ng dagdag-singil ang mga operator at driver ng UV Express.

Ayon sa Code-X Transport Service Cooperative, P1 dagdag sa kada kilometro ang nais nilang madagdag sa pamasahe.

Sinabi ng grupo na apektado rin sila ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hiniling ng grupo na maaprubahan ng Land Tranbsportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang petisyon kasunod ng pagpayag sa dagdag-pasahe sa mga jeep.

Sa ngayon, nasa P2 kada kilometro ang singil sa UV Express.

 

TAGS: dagdag pamasahe, Jeep, Transport group, uv express, dagdag pamasahe, Jeep, Transport group, uv express

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.