2 menor de edad nasagip ng NBI sa cybesex den sa Cavite

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 11:27 AM SHARE(S):

Sinagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang menor de edad sa isang cybersex den sa Bacoor, Cavite.

Inaresto rin sa operasyon ang tatlo katao.

Ayon kay NBI Anti-Human Trafficking Division head Janet Francisco, nagsasagawa ng sexual acts ang mga suspek sa harap ng kamera. Humingi pa aniya ng advance payment ang mga suspek.

Itinanggi naman ng babaeng suspek ang paghuhubad sa harap ng camera kapalit ang P1,000. Aniya, unang beses niya pa lamang na makasama sa operasyon.

Pinabulaanan din ito ng isa pang suspek at sinabing pumasyal lamang siya sa lugar.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cyber Crime Act at Child pornography.

TAGS: Bacoor Cavite, Cybersex den, Radyo Inquirer, Bacoor Cavite, Cybersex den, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.