1 sundalo patay, 11 sugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 10:40 AM SHARE(S):

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang 11 iba pa sa engkwentro laban sa mga hinihinalang myembro ng Abu Sayyaf group sa Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, tinatayang 60 bandido ang nakasagupa ng 32nd Infantry Battalion sa Barangay Panglayahan, Patikul Miyerkules ng gabi.

Tumagal nang dalawang oras ang bakbakan.

Kritikal ang kondisyon ng isa sa 11 sundalo na nasugatan.

TAGS: 32nd IB, Patikul Sulu, Radyo Inquirer, 32nd IB, Patikul Sulu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.