Ilang lugar sa Olongapo City binaha; klase sinuspinde

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 10:14 AM SHARE(S):
CREDIT: Edora Darius Jay

Sinuspinde na ang panghapon na klase sa lahat ng antas sa Olongapo City dahil sa nararanasang pagbaha.

Sa kaniyang post sa Facebook, nagpasya si Mayor Rolen Paulino na suspendihin na ang klase all levels, public at private.

Maaga pa lamang nananawagan na ang mga residente ng lungsod kay Paulino na magsuspinde ng klase dahil sa mga naranasang pagbaha sa iba’t ibang barangay bunsod ng malakas na pag-ulan.

Marami naman ang nadismaya dahil ang mga pang-umagang mag-aaral ay nakapasok na sa eskwela.

Sa pagtaya ng panahon ng PAGASA kabilang ang buong lalawigan ng Zambales sa makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Habagat.

 

TAGS: class suspension, Floods, Olongapo City, walang pasok, class suspension, Floods, Olongapo City, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.