2 patay, 3 sugatan sa aksidente sa Quezon

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 08:52 AM SHARE(S):

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa karambola ng tatlong sasakyan sa lalawigan ng Quezon.

Nakanap ang aksidente kaninang madaling araw sa New Diversion Road na sakop ng Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan.

Nasangkot sa karambola ang dalawang delivery vans at isang kotse na pawang patungo sa Bicol.

Sa inisyal na ulat ng Atimonan police, sinasabing nawalan ng preno ang isang delivery van kaya sinalpok nito ang likurang bahagi ng isa pang delivery van bago tumama sa isang puno.

Tumagilid ang ikalawang delivery van dahilan para mabangga din ang isang kotse.

Patay ang dalawang pahinante ng van na nawalan ng preno, habang ilang oras pa ang itinagal bago maialis sa sasakyan ang sugatang driver.

Ginagamot sa Doña Martha Hospital sa Atimonan ang mga nasugatan.

TAGS: Atimonan QUezon, Radyo Inquirer, Atimonan QUezon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.