Fr. Jerry Orbos may stage 2 lung cancer; pamilya humingi ng dasal

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 08:25 AM SHARE(S):

Kinumpirma ng pamilya ni Father Jerry Orbos na ito ay na-diagnose sa sakit na stage 2 lung cancer.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ng kapatid ng pari na si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Tim orbos na sa Martes, July 17 ay sasailalim sa operasyon si Fr. Jerry.

Pagkatapos nito isasailalim na siya sa chemotherapy sessions.

Humingi naman ng panalangin si Usec. Orbos para sa mabilis na kagalingan ng kaniyang kapatid.

Sumusulat din siya sa Philippine Daily Inquirer bilang kolumnista at ang kaniyang column ay mababasa tuwing Linggo.

TAGS: Father Jerry Orbos, lung cancer, stage 2, Father Jerry Orbos, lung cancer, stage 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.