13 arestado sa buy-bust operation sa Marikina

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 07:03 AM SHARE(S):
CREDIT: Marikina Police

Arestado ang labingtatlong katao sa ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Marikina City Police Station-Special Drugs Enforcement Unit.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng Twin River Subdivision sa Barangay Parang sa nasabing lungsod.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa 13 mga suspek kasama na ang 5 mga babae.

Kinilala ang mga suspek na sina:

  • Andres Manlutac alyas Sandy, 50 anyos
  • Niko Ramos, 25 anyos
  • Roberto Ordoñez alyas Bobby, 40 anyos
  • Vertrini Palis alyas Bert, 50 anyos
  • Norbert Dela Cerna alyas Jojo, 36 anyos
  • Carlos Hipolito alyas June, 37 anyos
  • Jemie Bautista, 45 anyos
  • Allaine June Lacap, 36 anyos
  • Georlyn Mascarenas, 34 anyos
  • Claire Penaso, 39 anyos
  • Mary Ann Sevilla, 24 anyos
  • Daniel Samson, 26 anyos
  • At John Michael Santiago, 23 anyos

Ang operasyon ay bunsod ng reklamong nakarating sa mga pulis tungkol sa di umano’y mga personalidad na bumibili ng ipinagbabawal na gamot kay Alyas Sandy.

Agad nagkasa ng buy-bust ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakip kay Sandy habang nadatnan din sa kaniyang bahay ang mga parokyano nito sa aktong paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska sa mga suspek ang 12 pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500na ginamit bilang buy bust money at iba’t ibang drug paraphernalia.

Sa ngayon ang mga suspek ay nakapiit sa himpilan ng marikina at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec 26, Sec 5, Sec 11, Sec 13 at Sec 14 ng RA 9165.

TAGS: buy bust, Marikina City, Radyo Inquirer, buy bust, Marikina City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.