Residential-commercial area sa Sampaloc, Maynila nasunog

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 06:52 AM SHARE(S):
CREDIT: Ryan Mendoza

Tinupok ng apoy ang isang residential-commercial area sa Sampaloc Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 5:00 ng umaga sa bahagi ng Domingo Santiago kanto ng D. Tuazon Street.

Alas 5:16 ng umaga nang itaas sa 2nd alarm ang sunog.

Kabilang sa nasunog ang isang sari-sari store, isang barber shop at mga bahay na nasa likuran ng mga ito.

Alas 5:51 naman ng umaga ay naideklara nang fire out ang sunog.

Inaalam pa ng Manila Fire Department kung ano ang pinagmulan ng apoy at tinatayang aabot sa P450,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

TAGS: fire, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila, fire, Radyo Inquirer, Sampaloc Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.