Pagbibitiw ng 4 na opisyal ng DOJ tinanggap ni Pangulong Duterte

By Len Montaño July 12, 2018 - 12:05 AM SHARE(S):

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ng 3 undersecretaries at 1 assistant secretary ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang 3 undersecretaries na nagbitiw sa pwesto ay sina Raymund L. Mecate, Erickson D. Balmes at Reynante B. Orceo na lahat ay fraternity brothers ng Pangulo.

Tinanggap din ng Pangulo ang resignation ni Asec. Juve R. Manwong.

Sa rekomendasyon naman ni Guevarra ay pumalit sa mga nagresign na opisyal ang mga abogadong sina Emmeline Aglipay-Villar, Adrian F. Sugay, Mark L. Perete at neal Vincent M. Bainto.

Wala namang ibinigay na detalye ang kalihim sa dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ng 4 na opisyal ng DOJ.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.