Richard Yap personal na nakita si Pope Francis

By Justinne Punsalang July 12, 2018 - 12:30 AM SHARE(S):
Richard Yap
Personal na nakadaupang-palad ng aktor na si Richard Yap at kanyang pamilya si Pope Francis sa Vatican.
Sa latest posts ni Richard sa kanyang Instagram ay ibinahagi nito ang pambihirang pagkakataon na nakita niya ang Santo Papa.
Sa caption ng mga posts ay sinabi ng aktor na maswerte siya dahil naimbitahan siya sa misa.
Kwento nito, muntik pa siyang hindi makasama sa misa dahil nakatakda na siyang umalis ng Vatican kinabukasan.
Ang anak naman ni Richard na si Dylan ay nabigyan ng pagkakataong mag-serve sa misa ni Pope Francis.
Kasama ng aktor ang kanyang asawa at isa pang anak sa pagdalo sa First Friday Mass na pinangunahan ng Santo Papa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.