Construction worker patay sa pananaksak sa Parañaque City

By Justinne Punsalang July 12, 2018 - 04:00 AM SHARE(S):
Parañaque Police

Nauwi sa pananaksak ang alitan ng isang construction worker at security guard sa Barangay Merville, Parañaque City.

Nasawi sa naturang insidente si Danilo Mefranum, 43 taong gulang na isang construction worker.

Nakilala naman ang salarin sa krimen na si Danilo Villamor, 60 taong gulang at isang security guard.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na una nang sinita ni Villamor si Mefranum dahil pumasok ito sa gate ng Sitio Tucoma.
Dahil sa nasabing pangyayari ay tila nagtanim ng galit si Mefranum, kaya naman nang bumalik ito sa lugar ay may dala itong kutsilyo at nagtangkang saksakin ang gwardiya.

Upang madepensahan ang kanyang sarili ay kumuha ng sariling patalim si Villamor at nang sila ay magpambuno ni Mefranum ay nasaksak ito na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Mahaharap ngayon sa kasong homicide si Villamor.

Samantala, inamin nito na dati na siyang nakulong dahil sa isang kasong kriminal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.