Dating barangay kagawad patay sa pamamaril sa Cebu

By Justinne Punsalang July 12, 2018 - 04:26 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang dating barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek sa Barangay Lorega San Miguel, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Glen Mark Manal na tumakbo para sa pagka-barangay captain nitong nakalipas na barangay election ngunit hindi pinalad na manalo.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pauwi na galing sa burol si Manal nang pagbabarilin ito ng isang hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo.

Natagpuang abandunado ang ginamit na getaway vehicle sa likod ng isang commercial area sa North Reclamation Area ng lungsod.

Isinugod kaagad sa ospital si Manal ngunit hindi na ito umabot ng buhay at idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sinasabing kabilang si Manal sa narco list ng Parian Police Station.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.