Utak sa pagpatay kay Mayor Bote kilala na ng mga otoridad

By Den Macaranas July 11, 2018 - 03:22 PM SHARE(S):

Hawak na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa pagpatay kay General Tinio, Nueve Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Sinabi ni S/Insp. Leonido Belleza ng Del Gallego, Camarines Sur Police Station na nahuli ng kanilang grupo sina Florencio Suarez, 48-anyos at Robert Gumacay, 35-anyos.

Itinuro na umano ng mga suspek ang utak sa pagpatay sa nasabing opisyal pero hindi na muna ito idedetalye sa publiko habang nagpapatuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Ang mga suspek ay nahuling sakay ng isang Toyota Avanza sa isang checkpoint sa nasabing bayan kaninang umaga.

Narekober rin sa kanila ang isang Cal. 45 baril na posibleng ginamit sa pagpatay kay Mayor Bote.

Ang mga suspek na sina Suarez at Gumacay ay tinukoy ng ilang tipster na silang nasa likod ng pagpatay sa nasabing alkalde.

Sinabi ni C/Insp. Ronnie Fabia, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigan ng Camarines Sur na ilang araw na nilang sinusundan ang galaw ng mga suspek hanggang sa mahuli sila kanilang umaga.

Isang team na rin ng CIDG ang kasalukuyang nagsasagawa ng operasyon para sa ikadarakip ng sinasabing utak sa krimen.

TAGS: bote, camarines sur, CIDG, del gallego, general tinio, PNP, suarez, bote, camarines sur, CIDG, del gallego, general tinio, PNP, suarez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.