82 pasyente na may dengue sa Batanes isinakay sa chopper ng PCG para madala sa ospital

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 11, 2018 - 11:27 AM SHARE(S):

Mahigit 80 pasyenteng may dengue ang inilikas ng Philippine Coast Guard sa Itbayat, Batanes.

Ayon sa PCG, itinalaga nila ang kanilang Islander at Air Force C295v para ibiyahe ang nasa 82 mga pasahero na kinabibilangan ng 59 na nakatatanda at 23 mga bata.

Sinab ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino humingi sa kanila ng tulong ang lokal na pamahalaan doon para madala sa ospital ang mga pasyente dahil hindi na kayang ibiyahe sila sa karagatan bunsod ng hidi magandang panahon.

Nakatakda ring bumalik muli sa Itbayat ang Chopper ng Coast Guard para muling magbiyahe ng mga pasyente.

Nakataas kasi ngayon ang outbreak ng dengue sa Itbayat.

TAGS: Dengue, Health, Itbayat Batanes, Radyo Inquirer, Dengue, Health, Itbayat Batanes, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.