Rally ng All-Out Peace sa Pasig naging mapayapa

By Rohanisa Abbas July 10, 2018 - 11:16 PM

Naging mapayapa ang kilos-protesta na isinagawa ng iba’t ibang grupo sa ilalim ng All-Out Peace (AOP) sa Crowne Plaza sa Pasig City kung saan dinidig ng bicameral conference committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ipinanawagan nila ang matibay at masustansyang otonomiya sa Bangsamoro.

Isinumite rin ng AOP ang isang open letter para sa bicameral committee.
Pinaalalahanan nila ang mga mambabatas na kilalanin ang mga karapatan at kalayaan ng mga Moro sa ipapasang BBL.

Ipinahayag ng AOP na ang hindi pagbibigay ng karapatang pamahalaan ang sarili sa Bangsamoro ay katumbas ng pagpapakawala ng bansa sa pagkakataong matapos ang karahasan at makamit ang tunay na kapayapaan.

Idinaing naman ng United Youth for Peace and Development (UNYPAD) na isang orgnasisyon sa ilalim ng AOP na matutugunan ng matibay na BBL ang violent extremisim sa rehiyon.

Sinabi ni UNYPAD national spokesperson Datuan Magon na nag-uugat ang paglaganap ng extrimist groups sa Mindanao sa mga kabiguan sa usapang pangkapayapaan.

Umaasa si Magon na aaprubahan ng bicameral committe ang bersyon ng BBL ng Bangsamoro Transition Commission dahil ipinakikita nito ang mga hinahangad ng mga Moro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.