Gal Gadot bumisita sa isang ospital sa Virginia, USA

By Justinne Punsalang July 11, 2018 - 12:16 AM SHARE(S):
Kelly Swink Sahady

Tila pinanindigan na ni Wonder Woman actress Gal Gadot ang kanyang pagiging superhero at dinala pa ito sa totoong buhay.

Ito ay matapos sorpresang bisitahin ni Gal ang mga maysakit na bata sa pediatric ward ng Inova Health sa Northern Virginia.

Suot ang kanyang Wonder Woman costume ay kinarga at hinalikan pa ni Gal ang isang 7 buwang gulang na sanggol na nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Bukod sa pagbisita sa mga bata ay nagpaunlak din si Gal ng autograph at picture kasama ang mga medical staff.

Ayon sa isang doktor na si Lucas Collazo, maituturing na isang tunay na Wonder Woman si Gal dahil bagaman may iniindang sakit ang mgabata ay pansamantala nila itong nakalimutan dahil sa sayang idinulot ng pagbisita ng aktres.

Kasalukuyang ginagawa ni Gal ang sequel ng Wonder Woman na pinamagatang “Wonder Woman 1984.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.