Basketball team ng UP lilipad papuntang Serbia para magsanay

By Justinne Punsalang July 11, 2018 - 12:12 AM SHARE(S):

Nakatakdang lumipad patungong bansang Serbia ang University of the Philippines Fighting Maroons men’s basketball team upang maghanda para sa UAAP Season 81.

Ayon kay Fighting Maroons head coach Bo Perasol, sasailalim ang koponan sa dalawang linggong training camp at kanilang makakalaban ang koponan ng Serbia.

Ani Perasol, inaasahan nila ang matinding kompetisyon laban sa Serbia.

Pangunahing layunin ng training camp na makundisyon ang mga miyembro ng UP men’s basketball team.

Habang ang iba pang nais mangyari ni Perasol ay makakuha ng karagdagang kaalaman at skills ang koponan mula sa kanilang makakalaban.

Sa July 21 inaasang aalis ang Fighting Maroons at babalik sa August 5.

Umaasa ang koponan na sa Season 81 ng UAAP ay makakapasok sila sa Final Four dahil sa pagsali sa kanilang team ni Nigerian import Bright Akhuetie.

Ito na ang ikalawang taon na pupunta sa ibang bansa ang UP Fighting Maroons upang sumailalim sa pagsasanay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.