Grab pinagmumulta ng P10M dahil sa overcharging

By Isa Avendaño-Umali July 10, 2018 - 04:27 PM

Ini-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa Grab Philippines na magbayad ng P10 Million na multa dahil sa “overcharging” nito sa mga pasahero.

Bukod dito, pinare-reimburse ng LTFRB sa Grab Philippines sa mga pasahero nito ang mga nasingil na P2.00 na per minute waiting time charge.

Ayon sa advisory ng LTFRB, sa pamamagitan ng rebates ay kailangang maibalik sa mga pasahero ang mga nasingil na extra charge mula noong June 5, 2017 hanggang April 19, 2018.

Matatandaan na inakusahan ang Grab na sumisingil ng P2.00 kada minuto, gayung wala itong approval ng board ng LTFRB.

Giit ng ahensya, iligal ang extra charge na iyon ng Grab.

Pansamantalang kinansela ng Grab ang naturang na dagdag-singil pero naghain sila ng motion for reconsideration upang maibalik ang paniningil ng P2.00 per minute.

Nauna nang sinabi ng LTFRB na inuulan sila ng reklamo dahil sa hindi maganda at mahal na serbisyo ng nasabing Transport Network Company.

TAGS: dotr, Grab Philippines, ltfrb, overcharged, dotr, Grab Philippines, ltfrb, overcharged

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.