Ama at 3 anak, patay sa sunog sa Sultan Kudarat, Maguindanao

By Rohanisa Abbas July 10, 2018 - 11:10 AM

Google Maps

Patay ang mag-aama sa sunog na tumupok sa limang kabahayan sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, sumiklab ang sunog dakong alas-2:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ang mga nasawi na si Daemus Araneta at kanyang mga anak na sina Vina, Dagul at Mujahid.

Hindi pa natutukoy ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng apoy.

Nagparating naman ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

TAGS: maguindanao, patay, sultan kudarat, sunog, maguindanao, patay, sultan kudarat, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.