LeBron James, pormal ng pumirma ng kontra sa Lakers

By Angellic Jordan July 10, 2018 - 09:55 AM SHARE(S):
Credit: Klutch Sports Group Twitter

Pormal ng makakasama ang NBA superstar na si LeBron James sa koponan ng Los Angeles Lakers.

Inanunsyo ng Lakers ang pagpirma ni LeBron bilang free agent, Lunes ng gabi at Martes ng umaga sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ito ng Klutch Sports Group matapos mag-post ng kanilang larawan sa Twitter na may caption na “Officially signed with the @Lakers @KingJames.”

Makikita sa larawan na kasamang pumirma ng four-time NBA Most Valuable Player (MVP) si Lakers general manager Rob Pelinka.

Aabot sa $153.3 million ang 4-year contract ni LeBron sa naturang koponan.

Matatandaang pasok si James sa nakalipas na walong NBA Finals kasama ang Miami Heat at Cleveland Cavaliers.

TAGS: LeBron James, Los Angeles Lakers, NBA, LeBron James, Los Angeles Lakers, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.