Drug suspect, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Rizal

By Justinne Punsalang July 10, 2018 - 04:21 AM

Dead on the spot ang dalawang drug suspek matapos mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay San Jose sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Jelo Parane, habang ang kanyang kasamahan ay wala pang pagkakakilanlan.

Ayon sa mga otoridad, sa kalagitnaan ng operasyon at nakatunog ang suspek na pulis pala ang kanyang katransaksyon.

Dahilan ito upang bumunot ng baril ang mga suspek at paputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ni alyas Jelo at kanyang kasama.

Narekober mula sa mga ito ang 10 sacher na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P50,000, bukod pa sa dalawang kalibre 38 baril.

Ayon sa mga pulis, ang suspek ay tumakas mula sa search warrant operation na ikinasa ng mga otoridad noong May 30 sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Sinasabing si alyas Jelo ang kanang kamay ng pangunahing target ng nasabing operasyon na isang Jun Calumpiano.

TAGS: Antipolo City, buy bust operation, Rizal, Antipolo City, buy bust operation, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.