Ellen Adarna, nanganak na

By Len Montaño July 10, 2018 - 02:06 AM SHARE(S):
Ellen Adarna Instagram

Kinumpirma ng kampo ni Ellen Adarna na nanganak ito noong June 27.

Sinabi ito ng abogado ni Adarna na si Atty. Rene Saguisag sa pagdinig ng kaso laban sa aktres sa Pasig City Prosecutors Office.

Idinahilan ni Adarna na nagsilang siya sa naturang petsa kay hindi hindi siya nakakadalo sa preliminary hearings sa reklamong child abuse at cybercrime na isinampa laban sa kanya.

Bagkus ay nagsumite ang abogado ni Adarna ng sinumpaang kontra salaysay ng kanyang kliyente.

Itinakda ang sunod na hearing sa July 16.

Sa pre-trial hearing ay una nang kinumpirma ng abogado ni Adarna ang pagbubuntis nito at ang delikadong kundisyon umano nito ang dahilan kaya hindi siya nakakadalo sa proceedings.

Mula nang pumutok ang balitang pagbubuntis ng aktres ay walang pahayag mula sa dalaga.

Habang noong isang lingo naman ay tinawag na fake news ng rumored boyfriend at sinasabing ama ng anak ni Adarna na si John Lloyd Cruz na nanganak at bininyagan na ang kanilang anak.

Inireklamo si Adarna ng magulang ng teenager na tinawag nitong paparazzi matapos umano siyang kunan ng video at litrato kasama ang aktor sa isang restaurant, bagay na itinanggi ng dalagita at dahilan ng reklamo laban sa aktres.

TAGS: ellen adarna, ellen adarna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.